headline photo
Showing posts with label bob ong quotes. Show all posts
Showing posts with label bob ong quotes. Show all posts

Review : ang mga kaibigan ni mama susan

Sunday, February 20, 2011

PARA SA MGA HINDI PA NAKAKABASA NG LIBRONG ITO: PUWEDENG BASAHIN ITO.

Ngayon lang ako nakapagblog ulit tungkol sa librong ito.

paki-click na lang dito kung gusto niyong makita yun itsura ng libro:

Natapos kong basahin yun libro habang na sa sala ako. Mabilis lang naman tapusin.

Ang librong ito ay tungkol sa buhay ni Galo. Diary niya kasi ito.may nakalagay na date din.

Yun mga kuwento noong una ay parang slice of life genre. Medyo nakakatawa din. May halong ABNKKBSNPLako yun style ng kanyang pagsulat hindi yun font.

Yun kalagitnaan noong nagpuntang probinsya si Galo hanggang sa huli, may pagka horror/suspense na! Hindi na nakakatawa

 Hindi ko maikukumpara yun genre nito sa MacArthur at Kapitan Sino dahil ibang iba kasi ito talaga parang naiimagine ko na nanonood ako ng isang B Movie. Pero kung laught trip hanap mo, mas nakakatawa yun mga dati pero may mensahe din si Bob Ong dito tungkol sa eskwela, simbahan, kalikasan, Maynila, probinsya at makabagong teknolohiya

Yun mga 90s to 2000s kids ay makakarelate din dito. Hindi siya nagbanggit dito sa libro ng tungkol sa 80s below. Kahit si Spike Spiegel ng Cowboy Bebop ay nabanggit dito.




PARA SA MGA HINDI PA NAKAKABASA, ETO NA ANG TAPOS NG ENTRY KO. BAWAL NA BASAHIN ANG MGA SUSUNOD PA NA POST TUNGKOL SA LIBRONG ITO. MARAMING SALAMAT PO.(pwera lang kung gusto mong masira yun pagkaaliw mo sa pagbasa ng bagong libro ni BO)


Nabitin tuloy ako dun sa ending. Di ko nalaman kung namatay ba si Galo o nasiraan na ng ulo kaya hindi natapos entry niya.

Nasusupense pa man din ako. Gusto ko yun way ng pagmumura niya sa diary niya. Medyo nakakarelate ako ng konti sa buhay nya. Akala ko talaga kakainin sila ng taumbayan.

Sa kabuuan, Maganda habang binabasa pero pag natapos na, okay lang.

Pagdating sa mga story-based na libro ni Bob Ong, pinakagusto ko pa rin yun MacArthur. Mas trip ko yun Kapitan Sino kaysa sa ang mga kaibigan.

Sa lahat ng libro niya, pinakagusto ko pa rin yun ABNKKBSNPLako at Paboritong libro ni Hudas.

Maganda pa rin naman yun ang mga kaibigan ni mama susan na isama sa koleksyon ng mga libro ni Bob Ong.

Bob Ong's 8th book released: ang mga kaibigan ni mama susan

Saturday, February 12, 2011

Ngayong mag-aaraw ng mga puso, inhahandog ni Bob Ong ang librong pinamagatang:

" ang mga kaibigan ni mama susan"

front cover


Pumunta akong National Bookstore sa loob ng SM Novaliches kahapon para kunin yun Laking National Card, tapos nakita ko dun sa may customer service yun mga libro ni Bob Ong. Aga pansin sa akin yun violet na libro. Tinanong ko yun sales lady kung sinong author ng libro. Sabi niya si Bob Ong. Bagong libro daw niya.

Napa-impulse buying tuloy ako. Binili ko kaagad yun libro. P150. Gusto ko talagang basahin ito. Tinext ko pa yun ate ko na nakabili na ako at wag na siya humiram o bumili. Hindi rin totoo yun tsismis na patay na si Bob Ong.







Pakiabangan na lang yun magiging review ko dito sa libro. babasahin ko pa lang. Kakaiba ito dahil wala itong buod sa likod at hindi rin puti yun papel.

Sige! enjoy ko muna basahin ito! Salamat sa pagbisita sa blog ko!

UPDATE:

ETO NA YUN REVIEW KO TUNGKOL SA LIBRONG ITO.