Ngayong mag-aaraw ng mga puso, inhahandog ni Bob Ong ang librong pinamagatang:
" ang mga kaibigan ni mama susan"
Pumunta akong National Bookstore sa loob ng SM Novaliches kahapon para kunin yun Laking National Card, tapos nakita ko dun sa may customer service yun mga libro ni Bob Ong. Aga pansin sa akin yun violet na libro. Tinanong ko yun sales lady kung sinong author ng libro. Sabi niya si Bob Ong. Bagong libro daw niya.
Napa-impulse buying tuloy ako. Binili ko kaagad yun libro. P150. Gusto ko talagang basahin ito. Tinext ko pa yun ate ko na nakabili na ako at wag na siya humiram o bumili. Hindi rin totoo yun tsismis na patay na si Bob Ong.
Pakiabangan na lang yun magiging review ko dito sa libro. babasahin ko pa lang. Kakaiba ito dahil wala itong buod sa likod at hindi rin puti yun papel.
Sige! enjoy ko muna basahin ito! Salamat sa pagbisita sa blog ko!
UPDATE:
ETO NA YUN REVIEW KO TUNGKOL SA LIBRONG ITO.
No comments:
Post a Comment